COMELEC, kinumpirmang walang eleksyon sa Marawi

National News

Ulat ni: Jimmy Mendoza

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Commission on Elections o COMELEC na si Director James Jimenez na suspendido ang Barangay at SK election sa Marawi City.

Nabanggit din nito na magkakaroon ng assessment matapos ang tatlong buwan upang sukatin kung maaari ng tanggalin ang nasabing suspensyon.

Sinabi ni Jimenez ang mga incumbent na pinuno ng barangay ay kasalukuyang nasa “hold over status” hanggang sa lumabas ang resulta ng assessment ito’y dahil espesyal na kaso ang Marawi.

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng Departrment of Interior and Local Government o DILG na si Jonathan Malaya na kasalukuyan ring isinasagawa ang mga hakbangin upang muling buhayin ang lungsod sa pangunguna ng bangon Marawi Task Force.

Umaasa naman ang DILG na maaayos na ang lahat ng mga naganap na kaguluhan sa Marawi sa pamamagitan ng tulong ng iba’t ibang sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *