DILG, kakasuhan ang mga kakandidatong sangkot sa iligal na droga

National News

Handang sampahan ng kaso ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga naging barangay officials na kakandidato sa darating na halalan sakaling mapatunayan na sangkot ang mga ito sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Assistant Secretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, ito ang kanilang paraan upang matiyak na ang mga kandidato sa darating na halalan ay hindi sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Sa pamamagitan aniya ng pagsasampa ng kaso ay matutulungan nila ang mga botante na mamili ng tamang kandidato na siyang magpapatakbo sa mga barangay.

Maliban sa pagiging sangkot sa iligal na droga, basehan din ng pagsasampa ng kaso ng DILG sa mga kandidato ang bigong pag-organisa nila, noong sila pa ang nasa katungkulan, sa Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC na unaa ng mahigpit na ipinagutos ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año.

Dagdag pa ni Asec Malaya, posibleng magpapalabas sila ng mga impormasyon ng mga barangay officials lalo na ang mga kapitan na nasa kanilang drug watchlist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *