Ed Sheeran, sinagot ang paratang na pagtataboy ng mga homeless

Showbiz

Sinagot ng British singer na si Ed Sheeran ang bali-balita na nagtatayo umano ito ng railings sa palibot ng kanyang bahay upang itaboy ang mga homeless na bigla na lang natutulog sa kanyang garahe.

Sinabi naman ni Sheeran na tumutulong umano siya sa isang homeless charity na Shelter and Crisis at hindi maiisip ang ipinararatang sa kanya.

Sa isang instagram post ni Sheeran, makikita na binanggit nito ang pangalan ng sumulat at kung anong pahayagan ito.

Dugtong pa ni Sheeran, nagpapatayo umano siya ng bakod upang maiwasan ang mga paparazzi na hi-nire ng mga pahayagang ito na makalapit sa kanyang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *