Hawaii Gov. David Ige, nanawagan ng emergency response

Nanawagan naman ng emergency response si Hawaii Gov. David Ige matapos ang walang tigil na pag-ulan isla ng Kauai.

Inilabas ang emergency proclamation noong nakaraang araw kasunod ng 24 oras na pag-ulan sa Hanalei.

Nagpalabas umano ng mga sasakyang panghimpapawid ang mga otoridad upang maghanap ng mga residenteng nangangailangan ng tulong ngunit itinigil rin ito dahil sa masamang lagay ng panahon.

Maliban naman sa naturang lugar ay apektado rin ng walang humpay na pag-ulan ang libu-libong residente sa Hanalei, Wainiha, Haena at Anahola.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *