Huling araw ng paghahain ng ITR, dinagsa

National News

Ulat Ni: Pol Montibon

Dahil sa huling araw na lamang ang pagpila o paghahain ng annual income tax return o ITR, dinagsa ng mga tao ang iba’t ibang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue o BIR.

Kinakailangang makahabol ang mga tax payers ng hanggang alas-singko ng hapon para makapag-file ng ITR at makaiwas na rin sa multa.

Ayon kasi sa BIR, ang lahat ng mga aplikante na hindi aabot sa itinakdang deadline ay awtomatikong papatawan ng multa.

Kabilang na dito ang 25 percent surcharge at interest depende sa tax payables nito.

Mahalaga naman ayon sa BIR ang pagbabayad ng ITR dahil otsenta porsyento ng koleksiyon dito ay ginagamit bilang pang-sahod sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan.

Wala namang pangamba ang ilan nating kababayan na maagang nagtungo sa mga district offices.

Samantala kung nais ng mga kababayan natin ng convenient na lugar, magtungo lang sa national offfice ng BIR sa Quezon Avenue at nakahanda silang alalayan ang mga kliyente sa mas madaling paraan dahil may composite districts na rin ang opisina na tatangap ng mga dokumento ng mga tax payers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *