Law enforcement agencies, itatalaga sa Barangay at SK elections

National News

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Nakatakdang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang law enforcement agencies kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa 2018 Barangay at SK elections.

Ito ay base na rin sa pinirmahang memorandum order 21 ng punong ehekutibo kasunod na rin ng hiling ng Commission on Elections o COMELEC.

Sa inilabas na memo, ipinag-utos ng pangulo na makikipagtulungan at makikipag-ugnayan sa COMELEC ang law enforcement agencies para matiyak ang seguridad at kapayapaan sa darating na eleksyon para sa mga posisyong pang-barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa May 14.

Isang punong barangay at 7 kagawad habang isang SK chairman at 7 SK kagawad ang kailangang iboto.

Ang filing ng certificate of candidacy ay nakatakda mula April 14-20 habang ang campaign period ay magaganap naman sa May 4-12.

Samantala, hiniling din ng COMELEC kay Pangulong Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 14, 2018 sa buong bansa kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *