Mga Asec at Usec sa DOJ, nananatili pa rin sa puwesto

National News

Ulat ni Jun Samson

Hindi pa inaksyunan ng Department of Justice (DOJ) o ng Palasyo ang courtesy resignation ng mga assistant secretaries at mga undersecretaries sa DOJ, na kasabay nanungkulan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Matapos tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Aguirre ay agad din naghain ng courtesy resignation ang mga Asec at Usec na ipinasok o dala ni Aguirre.

Kaugnay nito’y wala pang komento at wala pang naibigay na detalye o kumpirmasyon ang kasalukuyang Justice secretary na si Menardo Guevarra.

Magugunitang sa unang araw ng panunungkulan ni Guevarra ay inamin niya na binigyan siya ng kapangyarihan ng pangulo na magsibak at kumuha ng mga bagong tauhan sa DOJ.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *