Paghahain ng COC sa Barangay at SK elections, patuloy na minomonitor  

Patuloy ang monitoring ng Commission on Elections o COMELEC sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo a-katorse.

Sa preliminary report ng mga tanggapan ng poll body, simula noong Sabado hanggang kaninang umaga ay maayos at mapayapa ang COC filing bagama’t may ilang nagreklamo sa pila.

Hindi naman inaasahan ng COMELEC na maraming maghahain ng COC sa unang araw ng filing dahil karaniwan ay bugso ang mga filer kapag malapit na ang huling araw ng filing.

Karamihan sa mga naghain ng COC ay para sa barangay positions at mga senior citizen habang kakaunti pa lang ang nag-file sa SK positions.

Ipinaalala naman ng poll body na hanggang sa Abril a-bente na lamang ang paghahain ng COCS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *