Pangulong Duterte, pinasinayaan ang 2018 Palarong Pambansa

National News

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018 sa President Elpidio Quirino Stadium sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Palarong Pambansa ang nagsisilbing “training ground” ng mga susunod na lider ng bansa.

Ayon sa pangulo, ang mga kabataang manlalaro sa Palarong Pambansa ang pagmumulan ng mga magiging kinatawan ng bansa sa mga international sporting event sa ibayong dagat.

Simple at maikli lamang ang talumpati ng pangulo sa pagbubukas ng anim na araw na Palarong Pambansa na magtatapos sa Abril a-bente uno.

Naging star-studded din ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018 sa Ilocos Sur.

Naroon ang ilang kilalang personalidad sa showbiz industry kabilang na sina Kuh Ledesma at Bituin Escalante na naghandog ng kanilang mga awitin para sa mga kabataang atleta na kalahok sa malaking sporting event sa bansa.

Dumalo din sa okasyon ang mga tinaguriang pinoy champions na sina Elma Muros, Hidilyn Diaz, Mansueto “Onyok” Velasco, Eugene Torre, Paeng Nepomuceno at iba pang tanyag na manlalaro.

Si Bituin din ang nanguna sa pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *