PNP Chief dela Rosa, nagpaalam na sa Pambansang Kapulisan

National News

Nagbigay ng kanyang mensahe ng pasasalamat sa harap ng mga nakaunipormeng pulis si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang huling flag raising ceremony sa PNP National Headquarters.

Inalala rin ng outgoing chief ang mga sakripisyo ng buong PNP sa harap ng mga isyu, kontrobersiya partikular na sa war on drugs, mga krimen at sa nangyaring Marawi siege.

Humingi din ng paumanhin ang papaalis na PNP chief sa kanyang mga naging pagkukulang bilang isang ordinaryong chief PNP at kung hindi man nito na-meet ang expectations ng kanyang mga tao at ng taumbayan.

Kasabay nito ay ipinagmalaki ni dela Rosa ang mga naging achievements ng kanyang hanay sa pagsugpo laban sa mga illegal drug actitivities sa bansa, laban sa terorismo partikular sa nangyaring krisis sa Marawi.

Samantala, sakay ng Chopper Bell 429, tumungo papuntang Baguio si PNP Chief dela Rosa para daluhan ang inihandang PMA testimonial honors bilang graduate siya ng Class Sinagtala ng Philippine Military Academy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *