Transparency group, umapela sa Palasyo na maging tapat sa bayan

National News

Umapela ang isang transparency group sa Malakanyang na maging tapat sa bayan sa isyu ng pagtatayo ng casino sa Boracay Island.

Ayon sa grupong FATE o Filipino Alliance for Transparency and Empowerment, dapat linawin ng gobyerno ang tungkol sa kontrobersya ng itatayong casino sa isla.

Ito ay dahil sa kabila kasi ng pahayag ng pangulo na hindi niya nais na magtayo ng casino, kilala rin ito na pabagu-bago sa kanyang mga pahayag na kinalaunan ay sasabihin niyang biro lamang.

Nabatid na ilang araw bago ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na buwang pagsasara sa Boracay, inaprubahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o  PAGCOR ang ‘provisional gaming license’ ng Boracay Philippines Resort and Leisure Corporation (BPLRC) na isang ‘joint venture’ sa pagitan ng Chinese Casino Operator Galaxy Entertainment Group at Leisure & Resorts World Corporation noong Marso 21.

Lumutang dito ang hinala ng mga kritiko na may ibang intensyon ang gobyerno sa pagsasara ng isla ngunit agad naman itong pinabulaanan ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *