Unang araw ng gun ban at filing ng COC’S, naging mapayapa

Naging mapayapa ang unang araw ng pagpapatupad ng Commission on Election (COMELEC) gun ban at filing of certificate of candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito’y sa kabila ng ilang minor incidents at paglabag sa gunban ang naitala sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, naging maganda ang takbo ng peace and order situation sa pagsisimula ng election period.

Samantala, muling pinaalala ng PNP sa mga gun owners na huwag dalhin sa labas ang kanilang mga armas para sa ipinatutupad na election gun ban.

Hinikayat din ng PNP ang publiko na isuko ang mga armas lalo na kung expired na ang kanilang mga lisensiya dahil itinuturing na itong loose firearms.

Ikinasa na rin Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalagay ng checkpoints sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kaugnay ito sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo a-katorse.

Ayon sa PNP at AFP, inilatag ang mga checkpoints sa 5,744 na barangays na isinailalim sa watch list o election hotspots sa bansa.

Tatagal ang election period mula abril a-katorse hanggang Mayo a-bente uno.

Kaugnay nitro, pinag-iingat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang publiko sa mga naglabasang fake news kaugnay sa mga kandidato para sa Barangay at SK elections.

Sinabi ni PPCRV Executive Director Tony Villasor na natural na sa   mga kandidato na punahin ang kasiraan ng kaniyang kalabang kandidato sa ganitong panahon.

Dahil dito, nagdudulot umano ito ng kalituhan sa publiko at awayan sa pagitan ng mga tumatakbong kandidato.

Paalala ng PPCRV sa mga botante na maging mapanuri sa mga ihahalal na kandidato at bantayan ang proseso ng eleksyon.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *