Ex-US First Lady Barbara Bush, pumanaw na

International News

Sa edad na 91 ay pumanaw na si dating US First Lady Barbara Bush.

Ang pagpanaw ay kinumpirma mismo ng pamilya ng dating opisyal.

Matagal na ring may iniindang sakit sa baga at puso ang asawa ng ika-41 presidente ng Amerika na si George H.W. Bush

Si Barbara ang isa sa dalawang first lady ng Estados Unidos na naging asawa at ina ng nagdaang US presidents.

Agad namang nagbigay ng pakikiramay sa pamilyang Bush sina dating US president Barrack Obama at kasalukuyang US president Donald Trump.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *