Arroyo, nagsalita sa issue ng SC ruling sa HDO

National News

Hindi na ikinagulat pa ng kampo ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdedeklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang pagsasailalim sa kanya sa hold departure order (HDO) ni noo’y justice secretary at ngayo’y senador Leila de Lima.

Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, abogado ng kongresista, malinaw na walang legal basis si de Lima para patawan noon ng hold departure order ang opisyal dahil premature ito.

Malinaw din aniya na ginawa ito ni de Lima para magpasikat lamang sa Aquino administration na kalaban na pumupuna din sa panahon ni Arroyo bilang pangulo ng bansa.

Pinuna din ng kampo ni Rep. Arroyo ang ginawa noon ni de Lima na aniya’y bias at hindi galaw ng isang tapat na justice secretary.

Kung maalala, idineklarang unconstitutional ng SC o paglabag sa konstitusyon ang Department of Justice (DOJ) Department Circular No. 41 na ginamit ni de Lima noong 2010 para hindi makabiyahe sa ibang bansa si Arroyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *