Tokhang kontra cabo (555), ipinag-utos ni pang. Dutert

National News

Ipinag-utos ni pangulong Rodrigo Duterte ang crackdown o tokhang laban sa mga kompanyang patuloy na nagpapatupad ng “555” o kontraktwalisasyon.

Binigyan ng tatlumpung araw ni pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na isumite ang inventory ng mga kompanyang sangkot sa “labor only contracting” o endo.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sisiguraduhin ng pangulo na mahinto ang 555 tulad ng kaniyang pangako noong kandidato pa ang pangulo.

Sinabi ni Roque na maaaring tawaging tokhang kontra cabo (555) ang magiging kampanya ng pamahalaan laban sa mga nagpapatupad ng kontrakwalisasyon.

Aniya, iisa-isahin ng gobiyerno ang mga kompanya para malaman kung patuloy itong nagpapatupad ng endo sa kanilang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *