Tabla na ang serye ng Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers sa tig-dalawang panalo.

Cavaliers at Pacers tabla na ang laban

Sports

Tabla na ang serye ng Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers sa tig-dalawang panalo.

Ito ay matapos na talunin ng Cavs ang Pacers sa game 4 ng kanilang best of 7 series sa nagpapatuloy na playoff ng eastern conference ng National Basketball Association o NBA.

Kumamada ng 32 puntos si Cavs Super Star Lebron James kasama ang 13 rebounds at 7 assists para pangunahan ang Cavs sa kanilang panalo.

Nag-ambag naman ng 18 puntos si Kyle Korver kung saan nakakuha siya ng 4 na 3 points shot.

Samantala, nanguna naman sa Pacers si Domantas Sabonis habang nag-ambag naman ng tig 17 puntos sina Myles Turner at Victor Oladipo.

Sa huling higit na 4 na minuto ng laro sa 4th quarter ay lamang pa ang Pacers sa score na 93-91 pero nagsanib pwersa sina James at Korver para kunin ang 10-2 run at akayin ang Cavs sa kanilang panalo.

sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *