Kris Aquino naglabas ng sama ng loob

Kris Aquino naglabas ng sama ng loob

      No Comments on Kris Aquino naglabas ng sama ng loob

Naglabas ng kanyang saloobin ang queen of all media na si Kris Aquino sa isyu ng ex husband na si James Yap matapos i-feature ang story ng bagong pamilya nito sa programa ni Korina Sanchez

Hindi nagustuhan ni Kris ang feature story dahil hindi nabanggit sa nasabing panayam ang anak na si Bimby.

Matatandaang inere ang nasabing feature story dalawang araw matapos maglabas si Kris ng sama ng loob dahil di’umano ginagampanan ni James ang pagiging ama nito kay Bimby kahit na may iba na itong pamilya.

Sa kanyang panibagong instagram post, isinumbat ni kris ang pagsuporta niya sa kandidatura ni Mar Roxas na asawa ni Korina noong panahon ng eleksyon.

Sampal umano sa mukha niya ang inilabas na feature story matapos niyang suportahan si Roxas at bilang ganti ay ibinida pa ang deadbeat na tatay ni Bimby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *