80.000 oportubidad para sa walang trabaho

80,000 oportunidad para sa walang trabaho-DOLE

Walang trabaho? No worries!

Halos walumpung libong oportunidad ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa araw ng paggawa o Mayo 1.

Ito’y sa pamamagitan ng isasagawang sabayang job fair sa buong bansa.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 53 magkakahiwalay na “trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fairs” ang ikakasa sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kabuuang 829 na employers ang lalahok sa jobs fair kung saan mahigit 900 ang nakabase sa Pilipinas habang nasa 160 naman ang overseas.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon ay AFP at PNP personnel, customer service representatives, production workers / factory workers, construction workers, service crews, engineers,  nurses, technicians at iba pa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *