Mag-live-in partner huli sa pagbenta ng iligal na droga

Metro Manila

Arestado ang isang mag-live-in partner sa pagbebenta ng droga sa isinagawang buy bust operation ng Marikina City Police Drug Enforcement unit sa no.57, Sprint Street sa barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Greg Batidor at Maria Esmeralda Bae.

Nasabat mula sa dalawa ng suspek ang apat na sachet ng pinaghihinalang shabu pati ang mark money na ginamit sa pagbili ng droga.

Nahaharap ngayon sina Batidor at Bae sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 o republic act 9165.

Samantala… arestado ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sampaguita Street, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Harijatul Arajil, sisenta’y tres anyos, Rowilyn Tillo, trenta’y tres anyos at disisyete na menor de edad.

Nakuha sa mga suspek ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

Hawak na ngayon ng PDEA ang tatlong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.-sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *