Judicial Bar Council

Aplikasyon para maging Ombudsman, pinalawig ng Judicial Bar Council

National News

Pinawalig ng Judicial Bar Council o JBC ang paghahain ng aplikasyon para maging Ombudsman.

Kasunod ito ng pagtatapos sa termino ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa darating na Hulyo a-26, 2018.

Sa inilabas na anunsyo ng JBC, tatanggapin ng konseho ang mga aplikasyon hanggang alas 4:30 ng hapon ng Mayo a-15 ng kasalukuyang taon.

Base sa orihinal na kautusan ng JBC, may hanggang Mayo-2 lamang ang mga nagnanais maging Ombudsman para magsumite ng kanilang aplikasyon.

Nilinaw naman ng Ombudsman, na dapat makumpleto ang requirements ng mga maghahain ng aplikasyon hanggang Mayo a-15.-sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *