isla ng boracay

Isla ng boracay maaring ipasara ng permanente

National News

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari niyang ipasara ng permanente ang isla ng Boracay.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kasunod ng mga pambabatikos sa pagpapasara ng isla.

Umapela ang pangulo sa mga kritiko na huwag mainip at hayaan lang na malinis muna ang isla at ibabalik din ito sa tao.

Tiniyak ng pangulo na mananatiling forestal at agricultural area ang isla at kailangan ng batas o proklamasyon para maglalaan ng bahagi nito para sa komersyo.

Babala ng pangulo na tuluyan niyang isasara ang buong isla at isasailalim sa land reform kung pipilitin na pabuksan agad ang Boracay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *