walang trabaho

Bilang ng mga walang trabaho, tumaas – SWS Survey

National News

Tumaas ang bilang ng mga adult na walang trabaho ngayong unang bahagi ng taon.

Sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na may petsang Marso 23-hanggang 27, tumaas sa 23.9 % o 10.9 milyon ang bilang ng mga adult na walang trabaho kumpara noong huling bahagi ng Disyembre.

Kabilang sa naturang bilang ang 5.8 milyon adults na boluntaryong nagbitiw sa trabaho, 3.5 milyong na nawalan ng trabaho at 1.6 milyon na naghahanap pa lamang ng trabaho.

Isinagawa naman ang naturang survey sa 1,200 respondent mula sa Luzon, visayas, Mindanao at National Capital Region (NCR).

Sa ngayon, ito na ang pinakamataas na joblessness rate na naitala ng SWS simula noong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *