eo vs endo nilagdaan na

EO vs Endo, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

National News

Pinirmahan na ni Pangulog Rodrigo Duterte ang executive order na naglalayong wakasan ang endo o ‘End of Contract Scheme’.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-116th Labor Day Celebration na ginanap sa Mabolo,  Cebu City, nilagdaan ng presidente ang EO na nagbabawal sa ilegal na kontraktwalisasyon.

Ito’y bilang pagtupad na rin ng pangulo sa kanyang pangako noong siya ay nangangampanya pa lamang.

Ayon kay Pangulong Duterte, limitado lamang ang magagawa ng EO na kanyang pinirmahan kaya umapela ito sa dalawang kapulungan ng kongreso na magpasa ng batas na tuluyang magbabawal sa endo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, kailangan din aniyang amyendahan ang ang umiiral na labor code ng bansa nang sa gayon ay magkakaroon ng security of tenure ang mga manggagawa.

Samantala, una nang iginiit ng labor groups na ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.

Ang pagdiriwang ng labor day sa Cebu City ay dinaluhan din nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo; Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III; Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at iba pang miyembro ng gabinete maging ng ilang myembro rin ng kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *