SORIANO BROTHERS SINIBAK NA

Soriano brothers, sinibak na sa pwesto

Metro News

Sinibak na sa pwesto ang tatlong magkakapatid na pulis na nag-viral sa social media.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, isinasailalim na sa imbestigasyon ang tatlong pulis na sina PO3 Ralph Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO1 Reniel Soriano sa posibleng criminal charges na isasampa laban sa mga ito.

Nahaharap naman aniya sa kasong administratibo ang tatlo dahil sa grave threats at intimidation.

Base sa viral video, nilusob ng Soriano brothers ang bahay ng isang sibilyan na nakagitgitan ng mga ito sa kalsada.

Sa ngayon, nasa police holding and accounting unit na sa kampo krame ang tatlo na pawang nakatalaga sa Northern Police District Caloocan-Drug Enforcement Group

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *