posisyon

Bakanteng posisyon ng Usec at Asec, hinahanapan na ng kapalit

National News

Naghahanap ngayon si Justice Secretary Menardo Guevarra ng mga opisyal na papalit sa mga nabakanteng posisyon ng mga nagbitiw na undersecretaries at assistant secretaries ng Department of Justice.

Sinabi ni Guevarra na ang hinahanapan niyang opisyal ay mabuti at mapagkakatiwalaan na magiging katuwang niya sa trabaho sa DOJ.

Dahil sa election ban, sinabi ni Guevarra na posibleng pagkatapos na ng barangay at Sangguniang Kabataan elections siya maglalagay ng line-up ng mga bagong opisyal.

Matatandaan na naghain ng courtesy resignation sina undersecretaries Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco at Antonio Kho Jr.-sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *