Committee report sa Dengvaxia Vaccine naisumite na

Committee report sa Dengvaxia Vaccine naisumite na

National News

Naisumite na sa senado ang report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa anti dengue vaccine na Dengvaxia.

Ang committee report no. 368 ay nilagdaan ng mga miyembro ng komite na nakatakdang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado.

Kabilang sa rekomendasyon ng komite ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pang nasa likod ng programa.

Tiniyak din ni Gordon na walang halong pulitika sa report na isinumite ng blue ribbon.

Inirekomenda din ng komite ang paglalaan ng pondo para sa monitoring ng mga naturukan ng bakuna kahit hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *