Philippine National Police handang tumulong sa PDEA

Philippine National Police handang tumulong sa PDEA

National News Section

Handang tumulong ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng barangay.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Oscar Albayalde kasunod ng pagsasapubliko ng PDEA sa narcolist kung saan nasa higit sa 200 barangay officials sa bansa ang kasama sa listahan.

Sinabi ni Albayalde na bukas ang kanilang hanay sa anumang hilingin ng PDEA sa PNP.

Samantala, sang-ayon naman si Albayalde sa ginawang pagsasapubliko ng PDEA sa narcolist upang mabigyan ng babala ang mga botante sa nalalapit na Barangay at Sangguaniang Kabataan elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *