Mayorya ng mga Pinoy, tutol sa Charter Change

Mayorya ng mga Pinoy, tutol sa Charter Change

National News

Bagama’t na nanatiling mataas ang kumpiyansa ng mga Pinoy sa kasalukuyang administrasyon, mayorya naman sa mga Pinoy ang tutol sa pagbabago ng Saligang Batas patungong Federalismo.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Marso 23 hanggang 28 mula sa 1,200 respondents na may edad na 18 taong gulang pataas.

Base sa resulta ng survey, 66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno habang 64% naman ang nagsabing hindi sila pabor sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.

Nasa 27% ang nagsabing suportado nila ang pagpapalit ng kasalukuyang sistema ng gobyerno habang 6% ang hindi pa desidido sa naturang usapin.

Magugunitang isa sa mga nais maisakatuparan ng Duterte Administration ang pag-amyenda sa Saligang Batas patungong Federalismo na sinasabing sagot sa kaguluhan sa Mindanao at pantay-pantay na paglago ng ekonomiya ng mga probinsya sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *