Ultimatum, binigay ni Duterte sa mag tiwaling opisyal

Ultimatum, ibinigay ni Duterte sa mga tiwaling opisyal

National News

Binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang mga corrupt officials para magbitiw na sa puwesto.

Sinabi ni pangulong Duterte na bilang na oras ng mga tiwaling opisyal ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Duterte, hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto kahit malapit sa kanya kung corrupt ang mga ito.

Tinukoy dito ng pangulo ang pagsibak niya kay Peter Laviña bilang Administrator ng National Irrigation Administration (NIA).

Ang pinakahuling sinibak ni Duterte ay si Department of Labor and Employment (DOLE) Usec. Dominador Say.

Matatandaan na ang pagsugpo sa corruption ang isa sa campaign promises ng pa­ngulo dahilan para makuha nito ang landslide victory noong 2016 presidential race.

BuCor chief dela Rosa, sorpresang binisita ang Bilibid

Ilang araw bago umupo sa puwesto, sorpresang binisita ni Bureau of Corrections Director General Ronald dela Rosa ang mga inmates ng National Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Layon ng pagbisita ni dela Rosa na i-check ang mga high profile inmates na sangkot sa iligal na droga kung saan ito nakakulong ngayon.

Dahil wala na sa medium security compound, bibisitahin ni dela Rosa ang mga convicted drug lords na ibinalik umano sa Building 14.

Nais ni dela Rosa na hindi magkaroon ng access ang mga convicted drug lords sa mga kapwa inmates.

Nangako din si dela Rosa na tutulungan niya ang mga matatandang preso na may edad sisenta anyos pataas.

Samantala, pangungunahan ngayon ni dela Rosa ang flag raising ceremony sa Bilibid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *