Floyd Mayweather Jr., dumating na sa bansa

Floyd Mayweather Jr., dumating na sa bansa

Sports

Lulan ng kanyang private plane, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si American boxing champ Floyd Mayweather Jr., kaninang alas dos ng umaga.

Ayon kay Mayweather, ang pagpunta niya sa Pilipinas ay para i-enjoy ang mga magagandang pasyalan dito sa ating bansa.

Bukas din itong makipagkita sa natalo na si senator Manny Pacquiao bago sa Pilipinas ay una nang binisita ni Mayweather ang mga bansang Thailand, Dubai, Singapore at Indonesia.

Nagretiro si Mayweather sa larangan ng boxing noong nakaraang taon matapos na matalo nito ang dating UFC champion na si Conor McGregor sa pamamagitan ng knockout.

Si Mayweather ay may boxing record na 50 panalo kasama ang 27 knockouts at walang talo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *