Shame campaign isusulong ng PRRC

Shame campaign, isusulong ng PRRC

Metro News

Seryosong isusulong ng pamunuan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagtatakda ng isang shame campaign laban sa mga opisyal ng barangay na hindi tatalima sa environmental practice ng pamahalaan.

Layunin ng nasabing programa na bigyan ng bababala ang mga barangay na gawing malinis ang mga estero at kailugan sa buong Metro Manila.

Hihintayin munang matapos ang nakatakdang halalang pambarangay ngayong May 14 bago ipatupad ang naturang shame campaign.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, nauna nang binigyan ng notice ang ilang barangay sa Metro Manila dahil sa hindi tamang pangangalaga ng kanilang basura.

Giit ng direktor, sakaling bigo pa ring tumalima sa kautusan ang mga barangay, may kapangyarihan ang PRRC na kasuhan ang mga opisyal ng barangay sa tulong ng DILG.

Samantala, bago ang nalalapit na halalan, kaisa rin ang PRRC sa isinusulong na kampanya ng DILG na huwag iboto ang mga pulitiko sa barangay kulang sa disiplina pagdating sa pangangalaga sa kanilang mga nasasakupan.

 Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *