CJ Sereno, maghahain ng motion for reconsideration

CJ Sereno, maghahain ng motion for reconsideration

Maghahain ng motion for reconsideration si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Attorney Josalee Deinla, ito’y sa sandaling hindi pumabor sa punong mahistrado ang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban sa kanya.

Sinabi ni Deinla na magsisilbi pa rin si Sereno bilang chief justice hangga’t hindi pa pinal ang desisyon ng kataas-taasang hukuman.

Nilinaw naman nito na nagkataon lamang na bumalik sa trabaho si Sereno, ilang araw bago pagbotohan ng korte ang quo warranto case.

Dagdag ni Deinla, hindi maaring pwersahin ang punong mahistrado na palawigin ang kanyang leave.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *