Grab PH papatawan ang mga pasaherong magkakansela ng bookings

Grab PH papatawan ang mga pasaherong magkakansela ng bookings

Metro News

Planong patawan ng charge ng Grab Philipines ang mga pasaherong magkakansela ng kanilang bookings.

Ayon kay Grab Marketing Head Cindy Toh, posibleng ipatupad ang cancellation fees bago sumapit ang hulyo.

Sinabi ni Toh na bukod sa riders ay bibigyan din nila ng proteksyon ang kanilang driver-partners.

Ipinaliwanag nito na kapag nagkansela ng booking ang pasahero ay papunta na sa lokasyon ang driver at gumagastos na sila ng pera rito.

Wala pa naman aniyang itinakda ang kumpanya na halaga nang ipapataw na cancellation fees dahil pinag-aaralan pa rin nila ang iba’t ibang schemes.

Una nang ipinatupad ng dating ride-sharing app na Uber ang cancellation fees batay sa layo nang binaybay ng driver bago ang ikansela ang biyahe o kapag kinansela ng rider ang mahigit sa isang trip sa loob ng maiksing panahon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *