Mga inirekomendang Deputy State Prosecutor, hindi idinaan sa Promotions Board

Mga inirekomendang Deputy State Prosecutor, hindi idinaan sa Promotions Board

National News

Nadiskubre ng Department of Justice (DOJ) na hindi dumaan sa pagsala ng selection and promotions board ng National Prosecutions Service ang mga pangalang isinumite ni dating Sec. Vitaliano Aguirre II kay Pangulong Rodrigo Duterte ng nabakanteng posisyon na deputy state prosecutor.

Base sa 2 pahinang liham na ipinadala kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ay nilinaw ng board na ang mga inirekomenda ni Aguirre sa pangulo ay hindi kasama sa mga napag-usapan sa kanilang pulong noong May 4  at July 2017.

Iginiit ng board na ang mga natalakay sa kanilang deliberasyon ay ang mga aplikasyon para lamang sa piskalya sa Regions 1 at June 14 at ang mga aplikante para sa senior assistant prosecutors.

Dahil dito ay umapela ang board kay Guevarra na bigyan sila ng pagkakataon na isumite ang inirekomenda nilang mga pangalan  para sa nabanggit na posisyon dahil ito anila ay dumaan na sa kanilang  pagsala at ito aniya ay para maiwasan ang pagkalito at demoralisasyon sa hanay ng mga public prosecutors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *