Resolusyon para imbestigahan ang militarisasyon sa West PH Sea, naihain na

Resolusyon para imbestigahan ang militarisasyon sa West PH Sea, naihain na

Naihain na ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon ang House Resolution No. 1856, na naglalayong paimbestigahan ang militarisasyon ng China sa ilang teritoryo sa West Philippine Sea na sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa.

Ayon kay Biazon na siya ring Vice Chairman ng Committee on National Defense and Security, ay importanteng maimbestigahan sa committee level ang paglalagay ng missile launchers ng China sa mga teritoryong sakop ng EEZ.

Iginiit ni Biazon na nakakabahala ang foreign military presence ng China sa sovereign rights ng Pilipinas na dapat hindi palagpasin lalo’t wala pang mutual agreement or treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

Base sa report, nag-deploy ang China ng HQ-9 surface to air missiles at YJ-12 surface to ship missiles sa ilang bahagi ng Spratly Islands na kayang mag-intercept ng anumang target sa layong 257km at 475km.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *