Rockets at Warriors, magtutuos sa NBA Western Conference Finals

Rockets at Warriors, magtutuos sa NBA Western Conference Finals

Kapwa pasok na sa NBA conference finals at magtutuos ang koponan ng Houston Rockets at Golden State Warriors.

Ito’y matapos na talunin ng Rockets at Warriors ang kanilang mga kalaban sa Western Conference semi-final round.

Tinalo ng Rockets ang Utah Jazz sa iskor na 100-87.

Nanguna sa Rockets si Chris Paul sa pamamagitan ng kanyang playoff career-high na 41 na puntos, kasama na ang 10 assist.

Nag-ambag naman ng 19 points si PJ Tucker at 18 points naman si James Harden ng Rockets.

Si Donovan Mitchell naman ang nanguna sa Jazz sa kanyang 24 pts.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapaglaro sa NBA Conference Finals ni Chris Paul na hindi nito nalasap noong nasa ibang koponan pa ito partikular na sa news Orleans Hornets at LA Clippers.

Pinangunahan naman nina Stephen Curry, Kevin Durant, at Klay Thompson ang opensiba ng Warriors para matalo ang New Orleans Pelicans sa iskor na 113-104.

Nakakuha ng 28 points si Curry habang 24 points naman ang nakuha ni Kevin Durant.

May 23 points naman na naiambag si Klay Thompson.

Hindi naman umubra ang 34 points, at 19 rebounds ni Anthony Davis at 27 points, 10 rebounds at 11 assist ni Jrue Holiday para akayin ang Pelican sa panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *