Special Envoy  Abdullah Mamao, tutulak ng Kuwait ngayong araw 

Special Envoy  Abdullah Mamao, tutulak ng Kuwait ngayong araw 

National News

Nakatakda nang umalis ng  bansa si Special Envoy to Kuwait  Abdullah Mamao  ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office na lulan ng Kuwait Airways Flight KU 418 na nakatakdang lumipad ng alas onse bente mamayang gabi  sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 1.

Matatandaang si Mamao ay dating Presidential  Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs  at itinalaga naman ni Pangulong Duterte bilang concurrent  special envoy to Kuwait.

Inatasan din si Mamao ng pangulo na agad magtungo sa Kuwait para asikasuhin ang pagpapauwi sa mga distressed  OFW doon.

Una nang nagtungo sa Kuwait si Presidential Spokesperson Harry Roque at Labor secretary Silvestre Bello III para sa inilalatag na kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas para sa kapakanan ng mga Pinoy workers partikular na sa mga household service workers sa Kuwait.

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *