Chief Justice Sereno, pinatalsik sa puwesto

Chief Justice Sereno, pinatalsik sa puwesto

National News

Pinatalsik na sa puwesto bilang punong mahistrado ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos na katigan ng Supreme Court en banc ang sa botong 8-6 ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Kabilang sa mga PUMABOR sa quo warranto case ay sina:

  1. Justice Teresita Leonardo-De Castro
  2. Justice Diosdado Peralta
  3. Justice Lucas Bersamin
  4. Justice Francis Jardeleza
  5. Justice Samuel Martires
  6. Justice Noel Tijam
  7. Justice Andres Reyes, Jr.
  8. Justice Alexander Gesmundo

Ang mga bumoto naman KONTRA sa petisyon ay sina:

  1. Justice Antonio Carpio
  2. Justice Presbitero Velasco
  3. Justice Perlas Bernabe
  4. Justice Mariano Del Castillo
  5. Justice Marvic Leonen
  6. Justice Benjamin Caguioa

Malakanyang, naniniwalang tama ang desisyon na patalsikin si CJ Sereno

Tama ang desisyon ng Korte Suprema.

Ito ang paniniwala ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Panelo, tama lang na nanaig at pinaboran ng mas nakararaming Supreme Court justices ang  quo warranto petition na una nang inihain laban kay Sereno.

Napatunayan lang aniya sa naging botohan ng mga mahistrado na iligal ang pagkakaluklok ni Sereno bilang punong mahistrado ng katas-taasang hukuman.

Paliwanag ni Panelo na mangyayari lang ang senate impeachment kung sa simula pa lamang ay wala nang kuwestiyon hinggil sa liderato ni Sereno sa Korte Suprema.

Dagdag ni Panelo na wala nang saysay na umabot pa sa impeachment proceedings ang sitwasyon ng dating chief justice ngayong may pasiya na aniya ang mismong mga kasamahan ni Sereno na nagpatalsik din sa kanya sa puwesto.

Muli ay nanindigan ang Malakanyang  na walang kamay ang Palasyo sa quo warranto petition at ito aniya’y, inisyatibo ni Solicitor General Jose Calida.

May labinlimang araw naman si Sereno para maghain ng kaniyang motion for recosideration.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *