Ex-Pnoy, muling kinasuhan sa Ombudsman

Ex-Pnoy, muling kinasuhan sa Ombudsman

National News

Muling sinampahan ng kaso si dating pangulong Noynoy Aquino sa Office of the Ombudsman kaugnay ng Dengue Vaccination Program.

Isinampa ang naturang reklamo ng Citizens’ Crime Watch sa pangunguna ni Diego Magpantay at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) legal counsel na si Atty. Ferdinan Topacio.

Sa 49-pahinang reklamo, iniharap ang dating pangulo sa kasong malversation of public funds at violation of section 3(E) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang naman sa mga kinasuhan ng VACC at Citizens’ Crime Watch sina dating Budget and Management secretary Florencio Abad, dating executive secretary Paquito Ochoa, Philippine Children’s Medical Center Director Dr. Julius Lecciones, dating Health secretary Janette Garin, at 17 iba pa na dati at kasalukuyang DOH officials.

Ayon sa mga complainant, minadali at nagkaroon umano ng sabawatan ang dating opsiyal sa pagbili ng dengvaxia vaccine at sa pagpapatupad nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *