Partial lifting ng deployment ban, irerekomenda kay Duterte

Partial lifting ng deployment ban, irerekomenda kay Duterte

Wala pang kasiguraduhan kung tatanggalin ang deployment ban ng Overseas Filipino Workers sa Kuwait sa oras na malagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwaiti government.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ngayon ay nasa bansang Kuwait, nakatakdang lagdaan ang MOU sa May 11, na magbibigay proteksyon sa mga OFWS doon.

Kaugnay nito, hihilingin naman umano ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay pangulong Duterte ang partial lifting ng deployment ban.

Sakaling aprubahan ito ng pangulo, tanging mga skilled workers lamang ang papayagang makapagtrabaho sa naturang bansa.

Pag-aaralan naman aniya ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang magiging resulta ng MOU bago nila irekumenda ang pagpapadala ng mga house hold workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *