COMELEC tiniyak ang mapayapang brgy. at sk elections ngayong araw

COMELEC tiniyak ang mapayapang brgy. at sk elections ngayong araw

Tiniyak ng Commission on Elections na generally peaceful ang political environment sabuong bansa para sa barangay at sangguniang kabataan elections ngayong araw.

Ayon kay COMELEC Spokes person James Jimenez, wala silang namomonitor na makakasira sa peace and orders condition sa bansa.

Sinabi ni Jimenez na simula ng mag-umpisa ang panahon ng eleksyon tanging nasa higit dalawam pung election-related violence incidents ang naitala sa buong bansa.

Samantala, nakalatag narin ang walumpung porsyento ng buong puwersa ng Philippine National Police upang matiyak ang matiwasay at mapayapang halalan.

Maging ang Armed Forces of the Philippines ay nag-deploy din ng mga tropa sa iba’t ibang election hot spots sa Pilipinas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *