Mga kaanak ng PWD, hinimok ng COMELEC na iparehistro agad sa presinto

Mga kaanak ng PWD, hinimok ng COMELEC na iparehistro agad sa presinto

National News

Hinihimok ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kaanak o kakilala ng mga botanteng may kapansanan na ipagbigay alam agad sa presinto kaugnay sa kalagayan ng mga ito.

Ito’y upang mabigyan ng kaukulang atensiyon ang mga nasabing botanteng may mahirap na kalagayan.

Sinabi ng COMELEC na ang lahat ng botohan o presinto ay dapat nasa ground level para as kapakanan mga PWDs.

Mariing sinabi ni COMELEC Spokesperson Director James Jimenez na walang Board of Election Inspectors (BEI) at Board of Election Tellers (BET) ang hindi naimpormahan ng karampatang atensiyon para sa mga PWDs.

Ayon kay Jimenez, may posibilidad na hindi agad matugunan ang pangangailangan kung hindi agad ito maipaalam sa mga concerned COMELEC Officers partikular na sa mga buntis, matatanda at may kapansanan.

Samantala, ang usapin ng vote buying, flying voters at mga kahalintulad na sitwasyon ay patuloy pa ring binavalidate para sa karampatang aksiyon.

Ulat ni: Pol Montibon

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *