Senate President Edgardo Angara

Senate President Edgardo Angara, pumanaw na

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senate President Edgardo Angara 

Pumanaw na si dating Senate President Edgardo Angara sa edad na 83.

Ayon sa kaniyang anak na si Senador Sonny Angara, atake sa puso ang ikinamatay ng kaniyang ama nitong linggo ng umaga.

Kasabay nito, umapela ang pamilya Angara ng panalangin sa pagkamatay ng haligi ng kanilang tahanan.

Si Angara ay nahalal bilang senador noong 1987 at nagpatuloy sa serbisyo hanggang 1998.

Bago nito, naging presidente din si Angara ng Philippine Bar Association noong 1975 at presidente ng Integrated Bar of the Philippines noong 1979.

Nagsilbi din siyang agriculture secretary noong 1999 hanggang 2001 bago naitalaga bilang executive secretary noong 2001.

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya Angara sa pagpanaw ng isa sa pinakamagaling na lider at stateman sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson, napakalawak ng kontribusyon ni Angara sa nation-building na kalianman ay mananatiling prominente sa pahina ng modern political history ng bansa.

Nagsilbi din si Angara bilang special envoy sa European Union sa ilalim ng  Duterte administration.

Maging ang mga mambabatas ay nagpaabot din ng kanilang pakikiramay.

Nakaburol ang labi ng dating senador sa heritage park sa Taguig City at bubuksan ang public viewing mula mamayang alas dos ng hapon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *