Militar at Abu Sayyaf nagka engkwentro sa Patikul, Sulu

Militar at Abu Sayyaf nagka engkwentro sa Patikul, Sulu

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier Gen. Cirilito Sobejana, nangyari ang bakbakan kahapon ng umaga habang nagpapatuloy ang search and rescue operation ng militar para sa marami pang bihag ng Abu Sayyaf.

Unang nakasagupa ng 5th Scout Ranger Battalion ng Philippine Army ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Tanum, Patikul noong linggo na nagresulta sa pagkasawi ng 2 sundalo habang 12 ang sugatan.

Sa ngayon ay 3 sundalo na ang nasawi at 17 na ang sugatan sa nagpapatuloy na bakbakan na nagsimula nitong linggo ng umaga.

Kinumpirma naman ni Sobejana na 10 Abu Sayyaf na ang napapatay ng militar kung saan 4 dito ang nakilala na kasama ang 2 pang sugatan.

Samantala, 3 nakabaon na bangkay ng bandido ang narekober habang nagpapatuloy ang clearing operation ng militar sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *