Pdu30 hindi nakaboto sa brgy at SK elections

Pdu30 hindi nakaboto sa brgy at SK elections

Kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi nakaboto si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakaunang barangay at sk elections sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Nakatakda sanang bumoto ang Pangulo sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Matina, Davao City.

Naghintay hanggang alas tres ng hapon ang mga election tellers kay pangulong Duterte pero hindi ito dumating.

Inaasahang gagamitin sana ng pangulo ang wooden armchair na tinawag na “Seat of Victory” na ginamit nito noong 2016 Presidential elections kung saan ito nanalo bilang Pangulo.

Paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaya hindi bumoto ang pangulong Duterte ay dahil pawang mga nalalapit na kaibigan umano nito ang mga tumakbo sa mga nasabing posisyon at wala itong intensyong makapagdulot ng tampuhan sa magkabilang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *