Meeting para sa 30th SEA Games, nagpapatuloy

Sports

Nagsimula na ngayong araw ang pagbalangkas sa plano para sa 30th southeast Asian (SEA) Games na gaganapin dito sa bansa sa susunod na taon.

Pangungunahan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas ang pagpupulong kasama ng mga kinatawan ng brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste at Vietnam.

Kabilang sa tatalakayin ang disiplinang lalaruin sa biennial meet, sports and rules, medical at women and isports.

Layunin sa naturang meeting na magkaisa ang mga bansang kasapi ng sea games upang higit na pagbuklurin ang buong rehiyon sa pamamagitan ng isports.

Kasama ni Vargas sa mainit na pagtanggap sa mga bisita si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na siyang Philippines SEAG Organizing Committee (PHISGOC) Executive Board Chairman at si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ikaapat na pagkakataon ito ng Pilipinas na maging host para sa SEA Games simula nang maging miyembro ang bansa noong 1977.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *