Ellen Adarna, naharap sa kasong Anti-Child Abuse Law

Showbiz

Naharap ngayon si Ellen Adarna sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law at Anti-Cybercrime Law sa Pasig City.

Ito ay matapos magsampa ng kaso laban sa aktres ang mga magulang ng dalagang inakusahan ni Ellen na kinuhanan siya ng litrato sa isang restaurant.

Matatandaang sinubukang makausap ng mag-asawang Santos sa pamamagitan ng open letter si Ellen na maghain ito ng public apology ngunit walang inilabas na reaksyon ang aktres.

Una rito ay lumabas ang isyung inakusahan ni Ellen ang dalaga na pasimple raw siyang kinuhanan ng litrato habang nasa restaurant.

Ngunit idiniin naman ng dalaga na hindi nito alam na naroon pala si Ellen sa restaurant at tanging kinuhanan lamang aniya ay ang kanyang pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *