MRT, walang aberya sa nakalipas na 22 araw

MRT, walang aberya sa nakalipas na 22 araw

Metro News

Dalawampu’t dalawang araw nang walang aberya o unloading incidents ang MRT-3.

Ito na ang pinakamatagal na walang aberya ang MRT sa nakalipas na halos pitong taon.

Nalampasan din ang rekord na labing tatlong araw na walang aberya noong 2014.

Rehabilitasyon ng MRT-3, aabutin ng 3 taon

Samantala, aabutin ng 43 buwan o mahigit tatlong taon ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Paliwanag ng Department of Transportation (DOTR), tatagal ng tatlumpu’t isang buwan ang rehabilitation at maintenance project para maibalik ang orihinal na disenyo, kondisyon at kapasidad ng MRT.

Karagdagang isang taon pa para sa defect liability period o panahon na ibibigay sa service provider para sa remedy effects.

Ayon sa pamunuan ng MRT, magsisimula ang 43-month countdown sa sandaling dumating na ang bagong rehabilitation at maintenance service provider.

Target ng DOTR na magkaroon ng bagong maintenance provider na papalit sa Busan Universal Rail Incorporated (BURI) sa Hunyo.

Sakop ng mahigit labing anim na bilyong pisong proyekto ang mga bagon at riles ng MRT, power supply system, signalling system, elevators at escalators maging ang building equipment ng mga istasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *