Duterte, pinangalanan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno

Duterte, pinangalanan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno

National News

Tinukoy na ni Pang Duterte ang pangalan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno na kanya sinuspinde dahil sa korupsyon.

Sinabi ng pangulo na isusumite niya sa Office of the Ombudsman ang mga hawak na dokumento at ebidensya mula sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Umaasa itong masasampahan ng Ombudsman ng graft ang mga pinangalanan nitong mga umano’y tiwaling mga opisyal.

Karamihan sa mga opisyal na kasama sa listahan ay mula sa Department of Justice, Bureau of Customs, local government units at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang mga pinangalanan ni pangulong Duterte ay sina Prosecutor Sampaco Macabando, Benjamin Lanto ng Pasay City Prosecutor’s Office at ang mga abogado na sina Ambrosy Bazman, Rohany Bazman at Amiza M. Lumuntod.

Kasama rin sa pinangalanan ng pangulo na mga tiwali ay sina Prosecutor Clemente Villanueva, Assistant Prosecutor Florencio Dela Cruz, Ramon Anquilan, dating Customs District Collector sa Ninoy Aquino International Airport, NAIA Customs Intelligence Service Head Butch Ledesma, CIS political appointee Adsar Albani at Customs Operations Officer Lumuntod Macabando.

Umano’y anomalya sa PCOO, pinaiimbestigahan ni Sen. Trillanes

Pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV sa senado ang 647.11 milyong pisong nagastos ng Presidential Communications Operations Office PCOO) sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit noong 2017.

Sa kanyang Senate Resolution 733, pinasisilip ni Trillanes sa senado ang maanomalyang paggastos sa information campaign ng PCOO panahon ng ASEAN Summit.

Sinabi ni Trillanes na nakita ng Commission on Audit (COA) ang umano’y kaduda-dudang nangyari sa information caravan ng PCOO.

Ito umano ang dahilan kaya nag-resign si Noel Puyat na naglunsad ng information campaign sa ilalim ng Committee on Media Affairs and Strategic Communications ng PCOO.

Pero ayon naman sa report, wala pang inilalabas ang COA na audit report noong 2017 hinggil sa kumakalat na balita na anomalya sa PCOO.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *