Nanalong barangay chairman sa Cotabato, arestado

Nanalong barangay chairman sa Cotabato, arestado

Regional

Arestado ang isang nanalong kapitan sa isang barangay sa Makilala, Cotabato matapos na mahulihan ng limang pakete ng hinihinalang shabu at bala sa loob ng bahay nito.

Kinilala ang suspek na si Melvin Fortajada ng Barangay Malasila.

Diin ni Forjada na itinanim lamang ang ebidensya laban sa kanya at hindi rin siya kabilang sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa iligal na droga.

Ngunit inamin niyang dati siyang gumagamit ng droga at sumuko sa Oplan Tokhang noong nakaraang 2016.

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon si Fortajada na haharap sa kaukulang kaso laban sa kanya.

Close Monitoring sa pagsisimula ng Ramadan

Samantala, pinapatupad ang close monitoring sa pagsisimula ng Ramadan sa Barangay 23-C, Mini-Forest, Boulevard sa Lungsod ng Davao.

Ito ay dahil sa natanggap na report na may ilang grupo ang may planong gumawa ng masama sa lugar.

Ayon sa Davao City Police Office, nakahanda na ang mga pulis pati ang Task Force Davao sa kanilang gagawin upang hindi makalusot ang mga masasamang elemento.

Kasabay rito ay ipatutupad ng otoridad ang Oplan Kapkap at Oplan Sita sa mga hindi residente ng lugar na gusto lamang pumasok at gagawa ng gulo sa gitna ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *